Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paeng bilib kay Villanueva

0 35

Namatay na sa edad na 83-taong gulang si Journal Group of Publications Publisher at Editor-in-chief Augusto Villanueva, isa sa tinitingalang sportswriter at haligi ng Philippine journalism, Biyernes ng umaga.

Kasal sa namayapang si Arlyne Magsaysay Romero, inulila niya ang mga anak na sina Dr. Armando Villanueva at Antonette Villanueva-Rodriguez, kanilang mga asawa at dalawang apo. Ihahayag pa ang petsa ng libing.

Kabilang sa mga nakiramay at nagpapuri kay Villanueva sina Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, Philippine Sportswriters Association president Rey Lachica ng Tempo, Journal Group managing editor Tess Lardizabal, Bowling World Cup champs Rafael Nepomuceno at Olivia Coo, chess Grandmaster Eugenio Torre at iba pa. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.