Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paeng: Ibalik ang bowling

0 220

MARAMING pinerwisyo ang coronavirus, maraming sports centers at gyms ang nagsara sa quarantine period.

Kaya naman nagmungkahi na rin si four-time World Cup bowling champion Paeng Nepomuceno.

Ayon kay Hall of Famer Nepomuceno, hindi contact sports ang bowling kaya sana ay payagan na itong buksan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“We have already submitted on how it will open and we’ll be observing health and safety protocols,” hayag ni Nepomuceno sa ‘Power & Play’ program ni dating PBA commissioner Noli Eala.

Marso 15 nang isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 pandemic, kaya isinara ang mga bowling center sa mga mall.

“We have been very much affected. We’ve been closed since March 15. Most of the bowling centers are in the mall, so unang problema iyon,” saad ni Nepomuceno.

Mahigpit na health at safety protocols ang ipatutupad sa mga bowling center kapag pinayagan itong magbukas ayon sa 63-anyos na Pinoy bowling legend. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.