Abante Tonite Interactive

Paez tutok sa GM title

462

Maraming woodpusher ang nahuhumaling sa online chess.

Nagsimula ang kanilang pagkahilig noong ipatupad sa Luzon ang Enhanced Community Quarantine dahilan para makansela ang mga tournament, local at international.

Inabisuhan ang mga mamamayan na manitili sa loob ng bahay.

Isa si dentist Alfredo Paez sa mga naglalaro ng chess online.

Nakatutok si Paez sa paglaro sa Arena online games rated tournament ng World Chess Federation (FIDE) sa buwang ito.

Ang dating top player ng UAAP chess champion National University ay kinakailangan na basagin ang 2000 barrier para makopo ang online Arena Grandmaster (AGM) title at sundan ang yapak ni newly-installed AGM Dandel Fernandez.

“The benefit of staying at home. In addition to have an ample time for family bonding, there is also plenty of time to play rated chess games in the FIDE Online Arena,” sabi ni Paez na pambato ng Cabuyao City, Laguna.

Tangka ni Paez na makuha ang FIDE Online Arena Grandmaster title bago matapos ang lockdown.

Tonite – Wendys Inhouse Ad