Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAF: Bumagsak na chopper, luma pero maayos pa

0 89

Pansamantalang pinatigil ang paglipad ng lahat ng aircraft ng Philippine Air Force (PAF) para isailalim sa inspeksyon matapos mag-crash ang isang helicopter nito sa Bukidnon kamakalawa kung saan pito katao ang nasawi.

Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Aristides Galang, standard operating procedure (SOP) ang tigil lipad ng kanilang mga aircraft.

Bumagsak ang isang UH-1H helicopter ng PAF nitong Sabado ng umaga sa Barangay Bulonay sa Bukidnon na ikinasawi ng pitong sakay.

Kabilang sa mga nasawi ang piloto, tatlong pasahero, isang sundalo at dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa kay Galang, ang bumagsak na chopper at isa pang UH-1H ay nagsasagawa ng re-supply mission para sa 8th Infantry Battalion ng Philippine Army ng magkaroon umano ng engine trouble at tuluyang bumagsak.

Sa ngayon ayon pa kay Galang ay hindi pa rin malinaw ang tunay na pangyayari sa pagbagsak.

Hindi bago ang nag-crash na chopper ng PAF pero ayon kay Galang ay regular ang maintenance procedures at pagsagawa ng inspeksyon bago at pagkatapos nitong lumipad.

“Well-maintained po ito (chopper),” paliwanag ni Galang.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.