Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAF chopper nag-crash, 6 todas

0 117

Anim katao ang naiulat na namatay sa nag-crash na Huey helicopter sa Bukidnon kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, kabilang sa nasawi ang dalawang piloto ng PH Air Force (PAF).

Sa report na nakarating sa Armed Forces of the Philippines, may pitong sakay ito nang mangyari ang sakuna na kinabibilangan ng 2 piloto, 2 crew at 3 sundalo.

Nagsimula umanong magsagawa ng rescue operation para sa mga sakay ng bumagsak na helicopter dakong alas-2:30 sa Sitio Bolonay. Dalawang bangkay na narekober.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Major Rodulfo Cordero, Public Affairs Chief ng 4th Infantry Division ng Philippine Army base na rin sa nakuhang impormasyon, galing Malaybalay, Bukidnon ang chopper at magdadala sana ng supplies papuntang Impasug-ong.

Ayon sa AFP, napansin na lang ng ibang kasama ng chopper na umuusok ang Huey.

Iniwasan umano ng piloto na lumanding sa mga kabahayan bago tuluyang bumagsak ang helicopter.

Total wreck ang chopper at enginer trouble ang pinagmulan ng aberya. (Kiko Cueto/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.