Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAF trooper bumangga sa tulay

0 98

Nasawi ang isang tauhan ng Philippine Airforce nang sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa barrier ng tulay sa Cuenca, Batangas nitong Kapaskuhan.

Kinilala ng Cuenca police ang biktima na si A2C Alexander Miranda, nakatalaga sa Fernando Airbase sa Lipa City.

Sa report ng Cuenca police, tinatahak ng kotseng Hyundai Eon ng airforce ang highway sakop ng Barangay Labac nang pagsapit sa matalim na kurbada ay mabulaga ito sa isang kasalubong na sasakyan.

Iniwasan ng biktima ang kasalubong kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at tuluyang sumalpok sa sementadong barrier sa unahang tulay.

Sa lakas ng pagkabangga, naipit ang biktima sa loob ng kotse at nagtamo ng mga pinsala sa ulo, paa at katawan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.