Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-aalaga ng Teddy Bear Hamster 101

0 378

Dearest Fur-Parents:

Isa sa mga favorite pets ko ang super-cute na Teddy Bear Hamster! Noong bata ako, nagkaroon ako ng ilang hamster at sobra akong nag-enjoy sa kanila kaya ibabahagi ko sa inyo ngayon ang aking kaalaman tungkol sa pet na ito:

Kabilang ang hamster sa pamilya ng daga o Rodentia. Pero kahit na sila ay may relasyon sa daga, wala silang katulad sa daga. Unang-una, ang hamster ay domesticated; nangangahulugang sila ay maamo, malinis at walang dalang mga sakit.

Bagaman sila ay maamo, ingat pa rin po tayo dahil kapag ginulat natin ang isang hamster maari siyang mabigla at mangagat. Alalahanin din na kung maliit na bata ang hahawak sa hamster, kailangan ng parental supervision. Turuan muna ang bata ng marahan na pag-handle sa hayop na ito.

Ang isa sa karaniwang pagkakamali ng mga first-time hamster owners ay ang pagbili ng dalawang hamster. Pero ang pet na ito ay solitary animal – mas masaya sila kapag nag-iisa. In fact, kung mayroong 2 o higit pang mga hamster sa isang cage, nag-aaway sila nang lubos.

At siyempre, kapag pinagsama ang boy at girl sa isang cage, mabubuntis si girl. Bilang isang responsableng may-ari ng alagang hayop, kailangan nating makontrol ang populasyon nila.

Para sa kalusugan ni hamster dapat may exercise wheel ito sa cage. Noong bata ako, ang brand ng cage ko ay Habitrail. May mga tunnel ito at isang malaking wheel. Sobrang cute! Siguraduhin lang na angkop ang wheel sa laki ng hamster niyo. May mga wheel kasi na masyadong maliit para sa Teddy Bear Hamster.

Warning: Nocturnal animal ang hamster – sa gabi ito gising at tumatakbo sa wheel kaya siguraduhin na well-oiled ang wheel para tahimik ito!

Mayroon din akong See-Through Hamster Ball noon – ipinapasok ko lang si Hamster dito at makakatakbo na siya sa loob ng kwarto ko. Pero binabantayan ko nang maigi si hamster para hindi ito makatakas.

Bukod dito, kailangan ni hamster ng sapat na bedding o hay. Ang pinaka-angkop na bedding para sa kanila ay yung plant-based bedding.

Last but not the least – tubig at masustansyang pagkain! Maari niyong bigyan ng gulay at prutas ang iyong alaga o bumili ng Hamster Mix. Para sa kanilang tubig, gumamit ng small animal water bottle at palitan ang tubig tuwing ilang araw.

Ang good news po ay mabibili ang Hamster cage, ball, bedding and mix sa Lazada o Shoppee with just one click.

Happy Hamster Holidays!

Nagmamahal,
Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.