Abante Tonite Interactive

Pag-aarmas sa Manila traffic enforcers ibinasura

By
14

Ibinasura ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang ilang panukalang bigyan ng armas o baril ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) bilang depensa sa mga abusadong motorista na lumalabag sa batas-trapiko.

Paliwanag ni Estrada, ang pag-aarmas sa mga sibilyang traffic enforcers ay magdudulot lamang ng mas maraming problema sa halip na solusyon.

“Hindi, hindi muna, pag-aaralan muna natin ‘yan. ‘Di tayo basta-basta nag-iisyu ng ganyan. Pag-iisipan ko pa ‘yan,” paglilinaw pa ng alkalde.

Gayunpaman, sinabi ni Estrada na ikokonsulta muna nito sa Manila Police District (MPD) Director P/C Supt. Joel Coronel ang nasabing panukala.

Nabatid na may ilan na ring nagpapanukala na armasan ang mga MTPB enforcers dahil sa mga insidente kung saan sila ay hina-harass ng mga galit at abusadong motorista.

Ayon kay Estrada, alam nito na delikado ang trabaho ng isang traffic enfor­cer ngunit mas matutukso umano ang mga ito na mang-abuso kapag may hawak na baril.