Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-aatang sa mga yumao, importante ba?

0 338

Mga ka-#Misteryo nakagisnan na natin na mag-alay ng pagkain sa mga namayapa. Ito ba talaga ay importante at kailangang gawin? Ano ang epekto nito sa mga kaluluwa ng namayapa at sa atin sa daigdig ng mga buhay?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Clara ng Bulacan ay nagtanong sa #Misteryo kung bakit kailangan mag-alay ng pagkain sa mga namatay na. Ano ba ang benepisyo dito ng mga kaluluwa at maging ng mga nag-alam?

Inusisa ng #Misteryo ang karanasan ni Clara sa tuwing mag-aatang siya ng pagkain sa mga namayapa niyang mahal sa buhay.

Misteryo: “Sa tuwing kailan mo ginagawa ang pag-aatang o pag-aalay ng pagkain sa mga kaluluwa?”

Clara: “Anytime kasi alam ko nasa tabi tabi lang ang mga kaluluwa ng patay lalu na mga namatay naming kaanak o kapamilya. Pero usually pag death anniversary pati na pag All Souls’ Day.”

Misteryo: “Ano mga iniaalay mong pagkain sa kanila? Teka Ano ba paniniwala mo bakit mo ginagawa yun?”

Clara: “Kung special days siyempre nag-aalay ako kung ano handang food pero portion lang hindi naman marami then may space sila sa table namin para makisalo sa amin. Yung belief ko, I believe nakatutulong sa kanila ang atang o alay para lumakas sila kahit nasa kabila na sila. At the same time, I believe may good karma sa akin yun meaning they can help me sa daily lives ko.”

Misteryo: “Alam mo ba kapanahunan pa ng mga sinaunang Ehipto, Aztecs at Greeks ay ginagawa na ang food offering o pag-aalay ng pagkain sa mga namayapa. Naniniwala ang mga Aztec malaking tulong o baon ng mga namayapa sa kanilang paglalakbay sa kabilang buhay. Sa mga Egyptian, Naniniwala silang baka mamatay sa gutom ang mga namayapa sa kabilang buhay habang ang mga Greek naman ay binubuhusan ng alak na may halong dugo, honey at tubig ang mismong Libingan para makaabot sa namayapa.

Clara: “Ganun pala yun. I believe din na ang food offering ay symbolism ng strong family ties at hindi sila makakalimutan kahit sa kabilang buhay.”

Tama si Clara, idugtong natin ang paniniwala ng iba na pampakalma sa mga namatay ang pag-aalay ng pagkain sa kanila para hindi magmulto o manggulo sa daigdig ng mga buhay.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.