Abante Tonite Interactive

Pag-absuwelto kay Joel Reyes, ‘premature conclusion’ – CA justice

By
2,215

Tinawag na ‘premature conclusion’ ng isang Court of Appeals Justice na hindi kumatig sa ‘majo­rity ruling’ na i-absuwelto si dating Palawan Gov. Joel Reyes sa kanyang pagkakasangkot sa pagpaslang sa environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Iginiit ni Associate Justice Maria Filomena Singh na ang trial court judge ang nasa tamang posisyon na magpalabas ng ruling sa ligalidad ng  arrest warrant na inisyu laban sa suspek at ang determinasyon kung mayroong ‘probable cause’ laban sa mga akusado.

Kinuwestiyon rin ni Singh kung papaano ipinonente ni Justice Normandie Pizzaro, ang ruling pabor kay Reyes base sa ebidensiya gayon hindi nagsagawa ng pormal na pagdinig ang korte sa kaso.

“Where no trial has been conducted, there is even no certainty that these evidence will be utilized and offered by the prosecution,” base sa bahagi ng dissenting opinion ni Singh.

Nabatid na si Pizzaro, chairman ng dating CA 11th Division, kasama nina  Associate Justices Danton Bueser at Victoria Paredes ang pumabor sa petisyon ni Reyes na kumukuwestiyon sa arrest order inisyu laban sa kanya ng  Puerto Princesa City Regio­nal Trial Court (RTC) Branch 52.

Nalaman na si Pizzaro rin ang nagsulat ng desisyon na hadlangan ang pagtatangka ng mga human rights violations noong panahon ng Martial Law para makuha ang $2 bil­yon mula sa yaman ng pamil­ya ng Marcos­.