Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-absuwelto kay Revilla, wa epek sa kampanya vs kurakot

0 142

Walang epekto sa anti-corruption campaign ng Duterte administration ang pagkaabsuwelto ni Senador Bong Revilla sa kaso nito sa pork barrel scam.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tuloy-tuloy lang ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra katiwalian para mawalis ang mga kurakot sa gobyerno.

Gagamitin aniya ng Presidente ang huling taon ng kanyang termino para labanan ang korapsyon sa mga ahensiya ng gobyerno.

“Wala naman pong epekto diyan dahil patuloy po ang pagtuligsa ng ating Presidente sa mga kurakot sa gobyerno,” ani Roque.

Iginagalang aniya ng Palasyo ang desisyon ng korte kay Senador Revilla dahil nabigyan ito ng pagkakataon na humarap at ipagtanggol ang sarili sa korte.

Matatandaang nakulong si Revilla matapos isangkot sa anomalya ng pork barrel scam ni Janet Lim Napoles gamit ang mga bogus na non-government organizations. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.