Abante Tonite Interactive

Pag-amiyenda sa wiretapping law isinulong ni Lorenzana

189

Isinusulong ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang pag-amyen­da ng anti-terror law ng bansa kung saan papayagan ang wiretapping law ng hanggang 90 araw.

Base kasi sa Human Security Act, pinapayagan lang na i-wiretap ang isang suspek ng 30 araw at kinakailangan pa ng permiso ng Court of Appeals (CA).

“In the olden times, when there was no cellphone, landline lang ang ginagamit ng mga tao e. So madali mo i-wiretap ‘yan,” saad ni Lorenzana.

“But ngayon, it’s already cellphones, eh. And in fact… people can have several cellphones. That makes it very challenging. That’s why we need more time,” dagdag ng kalihim.

Bukod dito, gusto rin ng DND ng mas mahabang oras para i-detain ang isang suspected terro­rist nang hindi sinasampahan ng kaso mula tatlong araw hanggang 30 araw habang kumukuha pa ng mga kinakailangang ebidensya ang gobyerno laban sa isang suspek.

Matatandaang nauna nang nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para sa pagbuhay ng anti-subversion law na ang layunin ay walisin sa mukha ng lipunan ang mga progresibo’t militanteng grupo sa bansa. (Edwin Balasa)