Abante Tonite Interactive

Pag-angkin sa Sabah binuhay

577

Hinimok ng isang kongresista ang Department of Fo­reign Affairs (DFA) na ipaalam sa Kongreso ang estado ng pag-aangkin ng Pilipinas sa Sabah.

Sa House Resolution No. 59 na inihain ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, nanawagan ito sa DFA para magbigay ng ulat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa estado at benepisyo ng mga Pilipinong naninirahan ngayon sa Sabah.

“The Congress of the Philippines shall be updated on the status of the Philippine claim on Sabah,” sabi pa ni Dimaporo.

Ang desisyon ng Korte Suprema, ayon kay Dimaporo pabor sa pag-aangkin ng Pilipinas sa Sabah ay maaari aniyang maipagpatuloy hanggang sa hinaharap.

Sinabi pa ni Dimaporo na sa ngayon, ang pamahalaan ng Pi­lipinas, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tumitindig na pagmamay-ari ng ating bansa ang Sabah gaya ng pagdeklara rin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. (Lorraine Gamo)