Abante Tonite Interactive

Pag-asa ng bayan

0 145

Dear Abante Tonite:

Hanggang ngayon isa pa rin sa maraming ­problema ng ating bayan ang edukasyon. May mga Pilipino pa rin ang hindi makapag-aral.

Sa kabila nito, ang mga mag-aaral sa mga ­pampublikong paaralan ay mas marami sa dapat na bilang ng estudyante dito. Resulta ito ng kakulangan sa mga kagamitan at mga silid-aralan.

Nararapat lamang na gawing prayoridad ang ­edukasyon sapagkat ang mamumuno sa ating ­bayan sa hinaharap ay walang iba kundi ang ­kabataan. ­Paano nga ba magiging pag-asa ng ­bayan kung ang edukasyon ng isang kabataan ay nahahadlangan?

Kabataan pa rin ba ang pag-asa ng ating Inang ­Bayan? Oo. Marahil naging tingin ng nakararami ay kasabay ng paglipas ng panahon at pagsilang ng bagong henerasyon ang palipas ng paniniwalang ­kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi ito dapat ­ipagdiinan sapagkat marami pa ring kabataan ang nagpupursigi kahit sila ay napagkaitan ng edukasyon at nagkulang sa patnubay.

Hannah Samonte