Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-atake ng komunistang terorista namimiligro

0 39

Patuloy na lumalakas ang panawagan kontra tapyas-pondo sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Bunsod ito ng posibleng pag-atake ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New Peoples’ Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bukod pa sa anila’y pagkontrol na rin sa kaunlaran at kapayaan sa taong bayan.

“Sayang lang ang big investment ng national goverment for Bohol in tourism,” pahayag ni Bohol Governor Arthur Yap na ipinaliwanag na mapapaganda sana ng BDP ang `road network’ ng anim na ‘critical barangay” sa kanyang probinsiya.

Para naman kay Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang ay masasayang lang ang 81% na ng mga proyektong nasimulan sa kanyang mga nasasakupan kung babawasan o ipapatigil na ng mga senador ang nasabing programa. Sakali aniyang mangyari ito’y walang ibang masisira kundi ang pamahalaan, na ngayon ay dama na ng ating mga kababayan sa mga kanayunan at mga liblib na mga barangay.

“BDP ang nakapagpabago ng ating laban sa komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Magdudulot ito ng kalituhan sa mga LGUs at sa taong bayan, na ang pamahalaan ay tila pa kinukunsinte ang komunismo, kapag ang BDP ay binawasan o tinanggal nang tuulyan,” sambit naman ni Interior and Local Government Usec Jonathan Malaya. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.