Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-atake ng NPA sa VisMin patuloy

0 49

Ibinahagi ng ilang punong-bayan sa Visayas at Mindanao ang nararanasang karahasan mula sa ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) kung saan ang ilan ay isinagawa sa gitna ng paghagupit ng bagyong Odette kamakailan.

Ayon kay Mayor Jane Plaza, ng Carmen, Surigao del Sur, noong December 15, 2021, habang kasagsagan ng bagyo, tatlong miyembro ng Philippine Army na kasama sa Charlie Company ang tinambangan ng mga NPA habang magsagawa ng “preventive evacuation” sakay ng kanilang army pick-up truck.

“Alam nilang sila ay talagang papatayin kaya’t gumawa ng paraan kahit sugatan na upang makatakas ang ating mga sundalo. Dalawang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo ang sumunod na nakitang nagpapaputok at sumunog sa kanilang sasakyan,” paglalahad ni Mayor Plaza sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi pa ng mayora, kahit sila ay nakapagpasa na ng resoluyong persona non grata na ang mga NPA sa kanilang lugar at kahit kakaunti na ang mga ito, nanggugulo pa rin ang mga komunistang-terorista upang maparamdam nilang sila ay lumalaban pa.

Si La Castellana, Negros Occidental Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimutan naman ay nagbahagi rin kung paano nakisakay sa away-pamilya ang mga NPA sa kanilang lugar at pinatay pa ang magsasakang si Mario Landeda.

“Mariing kinukondina ng DILG ang matinding pagwawalang-bahala sa halaga ng buhay ng tao ang mga gawaing ito ng mga komunistang-terorista. Pagpapakita ito ng kanilang maling paniniwala,” paliwanag naman ni DILG Undersec. Jonathan Malaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.