Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-atake ng pulis sa lady Grab driver iimbestigahan

0 146

Inatasan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas ang Taguig City Police na imbestigahan ang insidente sa pagitan ng isa nilang opisyal sa Pateros Police at babaeng Grab driver.

Ito’y matapos pabulaanan ng driver na si Mary Florence Norial, ang alegasyon ni P/Captain Ronald D. Saquilayan, 51, na hinampas niya ito sa ulo dahil sa pagharang diumano nito sa kanyang daanan sa tapat ng coffee shop sa Cayetano Blvd. Brgy. Ususain, Taguig City nitong Martes ng gabi.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Norial na susunduin niya sana ang pasahero sa coffee shop pero nakaharang ang sasakyan ni Saguilayan na susunduin naman ang kanyang anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumusina at nag-flash umano siya ng headlight nang ilang ulit pero ‘si siya pinansin ng pulis. Lumabas at kinatok pa umano niya ang windshield ng kotse ng pulis pero hindi pa rin umano siya pinansin nito.

Dahil dito, nakisuyo na rin umano siya sa security guard para katukin ito.

Dito na umano kumilos si Saquilayan, bigla umano nitong binuksan ang pinto ng kanyang kotse dahilan para tamaan siya at matumba sa driveway.

Sa galit aniya ay tumayo siya, nilapitan ang pulis at sinampal ito. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.