Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pag ayaw pabakuna, maglibing tayo’

0 145

Nakahanda ang gobyerno na punuin ang mga sementeryo para sa mga patuloy na nagmamatigas na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa harap ito ng paulit-ulit na panawagan ng gobyerno na magpabakuna na ang mga hindi pa nagpaturok kontra COVID para sa kanilang proteksiyon.

Sa kanyang Talk to the People, pinansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tumataas na bilang ng mga namamatay sa COVID-19 ngayong Enero na ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga ito ay hindi bakunado.

“Kung vaccinated, medyo may laban ka. Kung wala, maglibing tayo. Punuin natin ‘yang mga cemetery natin,” anang pangulo.

Pero hindi aniya mapipilit ng gobyerno kung ayaw talaga ng ibang tao na magpabakuna pero dapat isipin ang kahahantungan kapag tinamaan ang mga ito ng mabagsik na COVID variant. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.