Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag di nakabangon sa 4th quarter: `Pinas lugmok sa 2022 – Concepcion

0 83

Kinakailangang makabawi ang ekonomiya sa fourth quarter ng taon para maging maganda ang pasok ng 2022.

Ito ang inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa harap ng panibagong paghihigpit dahil sa banta ng Delta COVID variant sa bansa.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Concepcion na ang fourth quarter ang magiging “make or break” sa ekonomiya matapos ang mahigit 1-taong pamemerwisyo ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Concepcion na sa fourth quarter makikita kung puwedeng bumawi ang mga negosyante.

“Sa fourth quarter lang puwedeng bumawi ang mga negosyante sa mga lugi nila over the last so many months because of election spending, consumer spending. Kung masama ang fourth quarter natin ay tiyak iyong 2022 mahihirapan tayo,” ani Concepcion. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.