Abante Tonite Interactive

Pag-dismiss sa P6.4B shabu case ni Taguba, pinababaligtad ng DOJ

By
962

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Valenzuela Regional Trial Court na mulin­g ikonsidera ang gina­wang pagbasura sa kasong may kinalama­n sa importasyon ng P6.4 bilyong shabu mula­ sa China laban kina Chines­e businessman Chen Julong alyas ‘Richard­ Tan’, at custom broker Mark Taguba.

Sa 19 na pahinang motion for reconsideration, hiniling kay Valenzuela RTC Branch 284 Judge Arthur Melicor na baligtarin ang kanyang ruling na nag-dismiss sa kasong criminal laban kina Tan, Taguba at mga akusadong sina Li Guang Feng alyas ‘Manny Li’; Dong Yi Shen Xi alyas ‘Kenneth’ Dong; import company owner Eirene Mae Tatad; custom broker Teejay Marcellana; Taiwanese businessmen na sina Chen I-Min; Jhu Ming Jhun; at Chen Rong Huan.

Sa ipinalabas na desisyon noong Abril 23, kinatigan nito ang motion to dismiss at recall warrant of arrest inihain ni Julong at Taguba dahil sa ‘forum shopping’ ng kaso.

Iginiit ng mga akusado na nagkaroon ng forum shopping matapos na isampa sa dalawang magkahiwalay na korte ang magkaparehas na kaso.

Iginiit naman ng DOJ sa kanilang plea na wala umanong forum shopping dahil ang kaso ay may kinalaman sa transportasyon at importasyon ng droga mula Maynila hanggang sa ihatid ito sa isang bodega sa Valenzuela City.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagkakadiskubr­e ng Bureau of Custom ng shabu shipmen­t sa Hong Fei Logistic­s warehouse sa Valen­zuel­a City noong Mayo 26,2017. (Juliet de Loza-Cudia)