Abante Tonite Interactive

Pag-exit ni Simmons sinamantala ni Giannis

501

Napaaga ang exit ni Philadelphia 76ers star Ben Simmons sa laro kontra Milwaukee Bucks nitong Sabado.

Sa first quarter pa lang, diretso na ng locker room si Simmons dahil sa pananakit ng lower back pagkatapos ng back-to-back layups.

“The Sixers PG irritated his lower back on a layup in the first quarter,” tweet ni Keith Pompey ng The Philadelphia Inquirer.

Hindi na nakabalik si Simmons, tumapos ng 5 points mula 2-of-2 shooting sa loob ng 4:44.

Wala ang backcourt general na nagmamando sa opensa, bagsak ang 76ers sa Bucks, 119-98.

Ipinahinga na rin si Simmons sa laro ng Philly noong Huwebes dahil din sa nana­nakit na likod. Inilaro niya pero mukhang ­napalala.

Mas malamang, ilang games siyang mawawala.

Sa 35-22 ay nasa fifth place ng Eastern Conference ang Sixers, kakailanganin nila si Simmons pagdating ng playoffs.

Tumabo si Giannis Antetokounmpo ng 31 points, 17 rebounds at 8 assists, dinagdagan ng 25 points ni Khris Middleton para ihatid ang Bucks (48-8) sa 119-98 panalo.

May 17 points at 11 rebounds ang tandem ni Simmons na si Joel Embiid pero 5-of-18 lang mula sa floor. Umiskor din ng 17 si Furkan Korkmaz. (VE)