Abante Tonite Interactive

‘Pag Finals, ibang lebel ang laro

0 356

Sa kasalukuyang 44th Philippine Basetball Association Commissioner’s Cup 2019 Finals ng San Miguel at TNT, napapansin ng lahat na karamihan sa mga manlalaro, ay gumagaling maglaro, para bang sinasaniban ng espiritu para mag-step up at maglaro ng mas mataas na antas.

Bukod sa dalawang napakagaling na mga import na mga first round pick sa National Basketball Association na sina Terrence Jones ng KaTropa, na siyang pinangaralan na Best Import sa kasaluku-yang torneo, at Chris McCullough ng Beermen, mapapansin natin ang napakagandang laro mula nina Jayson Castro na nahirang na Best Player of the Conference, Don Trollano, Troy Rosario, at RR Pogoy ng TNT. Gayundin sa San Miguel ang laki ng inangat ng laro nina Chris Ross, Alex Cabagnot, June Mar Fajardo, Terrence Romeo at Arwind Santos.

Medyo matagal-tagal na ‘di nakakatuntong sa championship series ang TNT.
Si Castro na dalawang ulit nag-best point guard sa FIBA-Asia, ang nagpapatakbno ng opensa ng KaTropa, at kundi siya si Jones naman ang nagmamando ng plays. Nasugod sila sa basket, at kung may nakabantay, pinapa-sang palabas ang bola sa mga tirador nila na nakapuwesto sa dalawang lugar sa kaliwa at kanan ng front court.

Doon naghihintay sina Pogoy at Trollano, parehong kilalang shooters. Ilang beses ito ginawa sa mga panalo ng TNT sa kasaluku-yang serye. Ang isa ring maganda ang nilalaro ay si Rosario. Ilang beses siyang nagpi-pick and roll, kung saan nakakalibreng pumuntos sa ilalim ng basket.

Ayos din ang nilalaro ni Brian Heruela, na nagbibigay ng sigla sa koponan. Ngunit, kung ako’y tatanungin ninyo, kung sino dapat ang bigyan ng papuri?

Sa akin ay si Trollano. Wow opensa at depensa niya. Siya ang nagbabantay kay McCullough, at napakaganda rin ng kanyang opensa madalas tumitira sa three point area. Ngayon ko lang nakita ang totoong laro ni Trollano, na lalo pa gumaling sa seryeng ito.

Level-Up din sa SMB sina Cabagnot, Romeo at CRoss. Dahil sa lagi nananalo ng kampeonato ang SMB, minsan ang mga manlalaro nila ay tinatamad, at pa easy easy lang, kaya pampito lang sa eliminations. Ngunit pagsapit ng playoffs, parang sinasaniban sila at gumagaling ang mga laro.

‘Di ba nakita natin si Ross na gumawa ng 10 tres nung kalaban ang Rain or Shine sa semis. Nakita ko rin Romeo nang gumawa ng 29 puntos sa Game 2. Sa Game 4 naman nagpakita si June Mar na may 10 sunod-sunod na puntos upang manalo ang Beer.

Pero kung may lamang ang SMB sa TNT, ito ay ang championship experience.