Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-IBIG Fund ginagamit ng mga scammer

0 75

Pinag-iingat ng Pag-IBIG Fund ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit umano ang pangalan ng mga opisyal ng ahensya para sa extortion modus.

Basahin: 100 judge-at-large, marshal kasado pondo – Angara

Naglabas ng abiso ang Pag-IBIG Fund nitong Miyerkoles para bigyan ng babala ang mamamayan laban sa mga taong nagpapanggap na empleyado nila at humihingi ng pera sa mga biktima.

Basahin: Ako Bicol Garbin: Mga party-list ng NPA lusawin

Binigyang-diin ng ahensya na hindi konektado sa mga ganitong iligal na gawain ang kanilang mga opisyal at maging ang mismong ahensya.

Pinayuhan din ang publiko na isumbong agad sa mga awtoridad ang sinomang tao na magpapanggap na taga-Pag-IBIG Fund. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.