Abante Tonite Interactive

Pag-IBIG magpapautang ng P150K sa mga biktima ni Ompong

By
301

May pag-asang makumpuni kaagad ang mga bahay na winasak ng bagyong Ompong sa pamamagitan ng pagpapautang ng Pag-IBIG Fund sa mga miyembro nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry­ Roque na maaring makautang ang isang miyembro ng hanggang P150,000 at kailangan lamang dalhin sa Pag-Ibig office ang mga dokumentong kailangan.

Dapat aniyang makapagpakita ng lara­wan ng nawasak na bahay o nalipad na mga bubungan at dalhin ang titulo para mapro­seso agad ang loan.

“Magandang ba­lita galing sa Pag-IBIG para sa mga nasalanta ng bagyong Ompong. Kung nasira ang bahay ninyo, mayroon silang pautang ng hanggang P150,000. Ang kaila­ngan lang po, dalhin sa Pag-IBIG ang lara­wan ng inyong bahay at iyung titulo para ma-annotate iyong pagkakautang. Wala pong ibang requirements,” ani Roque.