Abante Tonite Interactive

Pag-iingay ni Sereno walang epekto

489

Hindi natinag ang Malacañang sa pana­wagan ni dating Sup­reme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa publiko na lumabas at ipaglaban ang demokrasya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang dapat ikabahala kung demokrasya talaga ang ipinaglalaban ni Sereno dahil pati siya ay sasama, pero kung ang mga kritiko ang pinatutung­kulan, papanoorin na lamang nila ito.

“Aba eh sama ako sa kanya kung lumalaban sa demokrasya, dahil dapat talaga ipagtanggol natin ang demokrasya. But if she refers to those who are critics and detractors of the administration, meaning that she has not joined them for the last few months, well, I think the opposition will welcome her. While we will be amused watching her,” ani Panelo.

Hindi naman nakikita ng Palasyo na pang-uudyok ang pana­wagan ni Sereno sa publiko bagkus ay gusto lamang nitong sumali sa mga kilos protesta.

Sinabi ni Panelo na walang masama kung gusto ni Sereno na sumama sa mga rally dahil mismong si Pangu­long Rodrigo Duterte ang humihikayat sa publiko na mag-rally kung lehitimo ang kanilang nais ipahayag at iparating sa gobyerno. (Aileen Taliping)