Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-iisyu ng student permit ng LTO suspendido

0 530

Pansamantalang suspendido ang pag- issue ng student permit ng Land Transporation Office (LTO) simula Hulyo 1 dahil kailangang kumuha ng theoretical driving course ang isang aplikante.

Ang pahayag ay ginawa ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante sa TeleRadyo. Aniya layon nito na mabigyan ng theoretical exam ang mga naga-apply at sumailalim sa 15 hour theoretical driving course simula Agosto 3.

Ito ay isagagawa matapos ang mga ulat na marami sa mga kukakuha ng lisensya ang hindi nakakaintindi o hindi alam kung ano ang mga rules and regulations sa pagmamaneho at trapiko, ayon kay Galvante.
(Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.