Abante Tonite Interactive

Pag-inom ng energy drink posibleng mauwi sa stroke, atake sa puso

By
0 206

Para sa mga taong mahilig uminom ng energy drink, mag-ingat!

Ito ay dahil lumitaw sa isang pag-aaral na may negatibong epekto ang pag-intake ng energy drink gaya umano ng Monster at Red Bull, na sinasabing pinag-uugatan din ng problema sa sikmura, puso at ugat.

Epektibo man at nakakadagdag-energy ang pag-inom nito ay natuklasang may masamang impact ito sa blood vessel at napipigilan ang pagdaloy ng dugo sa buong katawan ng tao.

“A lot of young kids use energy drinks when they exercise, a time when you need your arterial function to be at its top,” sambit ng lead researcher na si Dr. John Higgins, isang professor of medicine sa McGovern Medical School sa University of Texas Health Science Center sa Houston.

Ayon pa kay Higgins, “exercise and sports ­require maximum blood flow so oxygen can get to cells quickly. Energy drinks that reduce the vessels’ diameter, in effect, restrict blood flow and oxygen delivery.”

“It’s more work for the heart and less oxygen supply for the heart. This could explain why there have been cases where kids have had a cardiac arrest after an energy drink,” dagdag pa nito.

“These drinks are not intended for children,” ­babala nito kung saan maging ang mga may sakit sa puso, buntis at mga nagpapasuso ay pinayuhan din nitong huwag magpakagumon sa sinasabing inuming pampalakas.

Ang nasabing pagsusuri ay tugma sa mga nauna na ring pag-aaral na may masamang epekto ito sa katawan.

Maging sa isinagawang study ng University of Waterloo sa Ontario, Canada ay lumitaw na 55% ng mga indibiduwal na nasa 12-24-anyos ang dumanas ng paninikip ng dibdib, pagsusuka at maging seizure bunsod na rin ng pag-inom ng energy drinks.

Ang nakakabahala pa rito’y lumutang na nakakapagpataas ng tiyansang magkaroon ng heart attack at stroke sa loob lamang ng 90 minuto ang regular na umiinom nito. ­