Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-inom ng Ivermectin posibleng mauwi sa brain damage

0 502

Nagbabala ang isang eksperto sa medisina na posibleng mauwi sa brain damage ang paggamit ng Ivermectin.

Inihayag ito ni Dr. Edsel Salvaña, Infectious Disease Specialist matapos ihayag ni Congressman Mike Defensor na mamimigay ito ng Ivermectin para sa mga mayroong COVID-19.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Salvaña na para lamang sa mayroong bulate ang Ivermectin at limitado lamang ang paggamit nito ng hanggang 3-15 milligrams at isang beses lang ito dapat gamitin.

Kapag aniya ginamit ng ilang beses ang gamot ay maaaring magdulot ng overdose at mauwi sa brain damage na mauwi sa kamatayan.

“Kapag mataas ang dose tapos repeated dosing, puwede po magkaroon ng brain damage ang isamg tao at puwedeng mamatay kung ma-overdose ng todo todo,” ani Salvaña.

Binigyang-diin nito na walang ebidensiya na nakakagamot ng virus, partikular ng COVID-19 ang Ivermectin.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay walang go signal para gamitin ang Ivermectin para sa mga tinatamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Dr. Salvaña na kapag nagkamali ng paggamit sa nabanggit na gamot ay baka maglabasan na parang spaghetti ang mga bulate sa puwet ng uminom nito.

“Ang Ivermectin po ginagamit pampurga. Kung gumamit po kayo baka magulat na lang kayo na may nagmistulang spaghetti sa inyong inodoro, baka maglabasan lahat ng bulate nyo,” dagdag ni Dr. Salvaña.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.