Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-isipan n`yo ibobotong presidente – Duterte

0 50

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na lalahok sa idaraos na eleksiyon ngayong Lunes na pag-isipan at pag-aralang mabuti kung sino ang kanilang iboboto lalo na sa hanay ng mga tumatakbo sa pagka-presidente.

Sinabi ito ng pangulo sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy na inere ng SMNI kamakailan lang kung saan ay kanilang napag-usapan ang halalan na gaganapin ngayong Lunes, Mayo 9.

Umapela ang pangulo sa mga botante na sundin kung ano ang sinasabi ng kanilang konsensiya. Subalit nakiusap din ito na pag-aralang mabuti ng mga botante ang pagkatao ng mga kandidato lalo na ang mga presidential candidate.

“But my message to the Filipino is follow what your conscience tells you to do. But please, review the — `yong mga biodata ng mga kandidato, including the presidency,” sabi ng pangulo.”

SM food to go Banner Ad

Samantala, umaasa ang pangulo na magkakaroon ng maayos na pagsasalin ng liderato ng gobyerno pagkatapos ng halalan.

Nagpahayag din ito ng kahandaan na tumulong pa rin para sa bansa kahit tapos na ang kanyang termino.

“So `yan lang at I hope to be around more often in this place because I said that I will help my country by just adding some features that will make it more effective. Kung mayroon silang ano, eh ‘di sabihin ko, mali ‘yan, huwag mong papasukin ‘yan,” ayon pa kay Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.