Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-isyu ng travel authority sa mga stranded, pinagpaliban

0 325

Iniutos ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng hepe ng pulisya, station commanders, hanggang sa Philippine National Police (PNP) Director for Operations ang pagpapaliban sa paglabas ng ‘travel authority’ para sa mga stranded na patungong Eastern Visayas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Eleazar, batay ito sa inanunsyo ni DILG Sec. Eduardo Año na dalawang linggong suspensyon ang pagpapauwi ng mga stranded na pasahero sa Eastern Visayas dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Ayon kay Eleazar, inabisuhan na sila ni Año ukol sa naturang desisyon, upang mabigyan ng panahon ang mga LGU na ipatupad ang quarantine protocols sa mga naunang dumating na stranded na indibidwal. (Dolores Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.