Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pag may tinanim, may may aanihin – Rosario

0 393

Pinatunayan ni TNT KaTropa forward Jeth Troy Rosario ang kasabihag “kung may itinanim, may aanihin” sa mga hirap niyang pinagdaanan.

Sa panayam ng 2OT podcast Linggo ng gabi, ibinahagi ni 28-year-old, 6-foot-7 cager ang sakit at hirap na kanyang tiniis, dagdag pa nang ma-diagnosed ang kanyang ina na may cancer.

“Talagang gusto ko na umuwi nu’ng nalaman kong may sakit ‘yung nanay ko,” kwento ng Cagayan-native pero Mandaluyong resident na.

Dagdag rin sa kanyang pinagdaanan ang hangaring makapag-PH Youth team at batid na sakripisyo ng kanyang pamilya upang makaluwas siya sa Maynila.

“Sobrang hirap ng buhay sa probinsiya. Naalala ko pa nga ‘nung pagpunta ko ng Manila, talagang pinilit lang talaga ng magulang ko.‘Yung natitirang binhi namin, talagang binenta para lang may pamasahe ako. Naalala ko, dalawang-libo ‘yun.” wika ng Gilas Pilipinas member.

Naranasan rin ni Rosario na hindi kumain, “Minsan din akong hindi kumain — grade school, high school yata ako nun. Isang beses lang akong kumain. Sinabi ko sa sarili ko sawa na ako maghirap, gusto ko umangat. ‘Yun talaga ‘yung motivation ko.“ (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.