Abante Tonite Interactive

Pag naging General Sara, tabi na lang para walang gulo — Duterte

700

Tiyak umanong lalong magiging matapang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kapag naging heneral na ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Reserve Force.

Sa kanyang talumpati sa mga bagong heneral ng Philippine Natio­nal Police sa Malacañang nitong nakalipas na araw, ibinida ng Pangulo ang karakter ng panganay na anak bilang matapang at mahigpit lalo na pagdating sa pangangasiwa sa Davao City.

Nakita aniya nito ang appointment ng anak na alkalde bilang Colonel reserve Officer at pabirong sinabi na tiyak na mas magiging mahigpit kapag naging heneral na ito.

“Si Inday, kay nabasa ko ‘yung appointment niya colonel na pala. T***i** mas grabe na ‘yan kay Co­lonel na. Mag-abot ng general ‘yan puro—tabi na lang tayong lahat para walang gulo,” anang Pangulo.

Matatandaang inihayag ng Presidente na si Mayor Sara ang alpha sa kanilang pamilya at hindi na lang ito kikibo kapag nagagalit na ito.

Maging sa pamamahala sa Davao City ay mahigpit din ang alkalde, patunay ang ipinatupad na curfew pagsapit ng alas-12:00 nang gabi kung saan sarado na ang lahat ng panggabing establisimyento at walang makikitang pakalat-kalat sa mga kalsada dahil sisitahin ito ng mga otoridad.

(Aileen Taliping)