Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-regulate ng vape aprub na

0 163

Sa botong 88 pabor, 10 tutol at dalawang abstain, inaprubahan na ng House joint committees on Trade and Industry at Health ang substitute bill na nag-reregulate sa pag-manufacture, sale, distribution, at paggamit ng electronic cigarettes at heated tobacco products (HTPs).

Inaprubahan ang substitute bill na kilala bilang ‘Non-Combustible Nicotine Delivery Systems Regulation Act of 2020,’ matapos ang masusing talakayan ng dalawang komite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inaprubahang committee version, nakasaad ang kahalagahan na i-regulate ito ng pamahaaan bilang bahagi ng pagtataguyod ng isang malinis at malusog na kapaligiran.

Sa pamamagitan nito ay mapangalagaan ang kalusugan ang mga mamamayan mula sa anumang panganib dulot ng electronic nicotine at non- nicotine delivery systems. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.