Abante Tonite Interactive

Pag spray ng insecticide ng Army helicopter fake news – PNP

0 663

Hindi totoo at huwag maniwala sa mga kumakalat sa social media na isang special military helicopters ang mag spray ng insecticide sa himpapawid sa buong bansa sa hatinggabi kung saan tulog na ang mga tao upang panlaban umano sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“When you hear the sounds of airplanes at night, it is for you to know that it is related to this matter (COVID-19), so you must stay indoors after 12 midnight and remove all clothes which are outside,” base sa kumakalat na post sa social media.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), wala umano itong katotohanan at isa na namang fake news na dapat hindi patulan ng mga netizens.

“This is patently fake eews and must be disregarded outright. The Inter Agency Task Force on Managing Emerging Diseases (IATF-MEID) has denied any such flight operation,” base sa statement na inilabas ni Police Brig General Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP.

Base sa eksplinasyon ng Department of Health (DOH), ang pesticide ay epektibo lang sa mga peste at hindi virus.

“Fake news is the last thing we need in these times of national emergency,” dagdag pa ni Banac.

Samatala patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP-Anti Cyber Crime Group upang malaman kung sino ang nagpasimula ng nasabing social media post upang masampahan ng kaukulang kaso.

Pahayag naman ng PNP na kung may mga katanungan at kalituhan ay tumawag lang ang publiko sa mga numerong 0917-538-2495 at 0998-849-0013, at JTF landline hotline na 0287253176 o mag email sa ncovmonitoring@gmail.com.(Edwin Balasa)