Abante Tonite Interactive

‘Pag sumabog ang chopper ko, CIA may gawa — Duterte

By
1,306

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang pagbabanta sa kanya ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika .

Sa kanyang talum­pati kamakalawa nang gabi sa convention ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City, sinabi ng Pangulo na ayaw sa kanya ng Amerika at gusto umano siyang patayin.

Hindi ito ang unang­ pagkakataon na nabanggit ng Pangulo ang CIA sa isa sa mga posibleng banta sa kanyang buhay.
Kapag aniya pumutok ang helicopter na ginagamit ng Pangulo ay tiyak na ang CIA ang nasa likod nito dahil sila lang ang intersado sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi pa ng Pangulo na bagama’t kaalyado ng bansa ang Amerika, wala naman aniyang ibinibigay na libreng kagamitan dahil lahat ng kinukuha ng gobyerno ay binabayaran ng Pilipinas.

“Pag pumutok ang helicopter ko diyan, sila yan. They’re the only one interested to..ayaw nila to, ayaw nila yan.. Wala namang ibinibigay sa atin, at mind you, lahat ng kinukuha natin sa kanila hindi for free yan. Bayad yan,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang noong nagtungo si Pangulong Duterte sa Zamboanga Sibugay ay ibinunyag nito na may banta sa kanyang buhay.