Abante Tonite Interactive

Pag-unfollow sa socmed nauso

311

By Mina Aquino

Apektado ng eleksyon!

Ang mga Pinoy ay kabilang sa mga pinakakomportable na nakakausap hinggil sa politika, bagama’t ang isang kamakailang survey ay nagpakita na apat sa bawat 10 mga gumagamit ng social media sa Pilipinas ay binlock dahil sa kanilang mga pampulitikang pananaw.

Sa isang pag-aaral sa mobile technology at ang epekto nito sa lipunan na isinagawa ng Pew Research Center na nakabase sa Estados Unidos, ang Pilipinas ang na­ngunguna sa 11 emerging econo­mies pagdating sa bilang ng mga gumagamit na binlock dahil sa politika.

Batay sa resulta ng survey na inilabas nakaraang linggo, 42 porsi­yento ang sumagot na na-block nila ang isang tao dahil sa kanilang mga pampulitikang pananaw, 57 porsi­yento ang nagsabi na wala sila.

Ito ay mas mataas ng walong puntos kaysa sa average sa mga bansang kabilang sa pag-aaral.

Kasunod ng Pilipinas ay ang Ken­ya na may 39 porsiyento, Leba­non 37, Vietnam 36, Jordan 35, South Africa 34, Venezuela 25, Colombia 24, Tunisia 21, India 18 at Mexico na may 17 porsiyento.

Sa parehong pag-aaral, nagpakita na ang Pilipinas ay nangunguna sa 11 na bansa sa mga tumatalakay sa politika, social media man o harap-harapan.

Nasa 81 porisyento ng mga Pilipino ang nagsabi na komportable silang pag-usapan ang politika ng harapan, habang 72 porsiyento ang nagsabing komportable sila sa paggamit ng kanilang mga mobile phone.

Ayon pa sa pag-aaral, bagama’t ang karamihan sa mga may sapat na gulang sa mga bansang sinu­ri ay nagsabi na komportable sila sa harap harapang pag-uusap, ang mga tao ay kadalasang hindi nasisiyahan na magsalita sa mga isyung ito sa kanilang mga mobile phone.

Maling impormasyon
Gayunman, lumalabas sa pag-aaral na ang pagkalantad sa mga mali o hindi tamang impormasyon ay lumaganap sa 11 na hindi maunlad na bansa, kabilang ang Pilipinas.

Ang survey, na mayroong 2,487 Filipino respondents, ay nakapagtala ng 68 porsiyento na nakabasa o nakakita sa mga artikulo na mali o hindi totoo.
Sa isyung ito ang bansa ay nasa pang-anim, sumunod ang Tunisia­ na may 78 porsiyento, Lebanon 76, Vietnam 72, Jordan 71 at South Africa na may 69 porsiyento.

Kasunod ng Pilipinas ay Venezuela na may 57 porsiyento; Kenya, Colombia at India na may 55 bawat isa at Mexico 44 porsiyento.

Kabilang sa mga Pilipino na nakakita ng maling nilalaman, 67 porsiyento ang naniniwala na ang pag-access sa mga mobile phone, social media at internet ay naging mas madali upang manipulahin ang mga tao na may maling impormasyon o tsismis.

Limampu’t pitong porsiyento (57%) ng mga nakakita ng maling impormasyon ang nagsabi na ang mga teknolohiyang ito ay nagpapataas ng panganib sa mga tao na mani­pulahin ng mga politiko.

Sa kabila ng mataas na bilang ng mga nakakakita ng maling impormasyon sa online, 75 porsiyento ng mga Pilipino netizen ang nagsabi na ang mga social media at messaging application ay ipinakilala sa isang bagong ideya.

Sinabi ni Laura Silver, senior researcher na nakatuon sa pandaigdigang pananaliksik ng Pew Research Center, itinatampok nito ang double-edged na kalidad ng social media na nakikita ng mga tao sa 11 na mga bansa.

Dagdag pa ni Silver, nakikita at nag-aalala ang mga ito hinggil sa mga nakakapagod na epekto ngunit maaari ring mapag-usapan ang mga benepisyo nito. Kahit na ang mga regular na nakakakita ng mali o nakakaligaw na impormasyon ay hindi malinaw na kritikal sa social media.

Aniya ang mga nakakakita ng mga peke at nakakaligaw na impormasyon ay tumi­ngin sa mga social media nang mas negatibo, lalo na sa paghahati ng mga tao sa politika at ginagawang madali para sa mga politiko na manipulahin sila.

Bukod sa survey, ang pag-aaral ay nagsagawa rin ng mga talakayan sa focus group discussion sa Pilipinas, Kenya, Mexico at Tunisia. Ang mga resulta ay may margin of error na 2.3 puntos na porsyento.