Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-uwi ng namatay na mga OFW inurong

0 2,269

Dahil hindi pa nalalabas ang ilang documentary requirement, maaantala ang pag-uwi sa mga labi ng mga pumanaw na overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na layon din nilang mahigpit na sumunod sa health protocol hinggil sa pag-uwi sa mga labi ng mga nabanggit na OFW.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The July 4 deadline has been extended to early next week for us to fly home our beloved modern day heroes,” pahayag ni Bello.

Una rito, sinabi ng DOLE na nasa 300 OFW na namatay dahil sa COVID-19 at iba pang sanhi ang kasama sa repatriation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.