Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pag-uwi ng Pinoy galing Sabah suspendido

0 69

Pansamantalang tinigil ang repatriation ng mga Pinoy mula sa Sabah kasunod ng mga bagong kaso ng COVID-19) na naitala doon, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Aniya, may 377,000 Pinoy ang na-repatriate na at naiuwi sa kanilang mga probinsya mula nang magsimula ang pandemya.

“‘Yun po naman mga papauwiing Pilipino na galing sa Sabah, hininto muna po dahil nagkaroon ng 30 kaso nitong nakaraang araw,” sinabi nito.

Mayroon nang 20,000 COVID-19 infection sa Sabah. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.