Abante Tonite Interactive

‘Pag walang nangyari sa peace talk, Sison papatayin ko! – Duterte

1,297

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin si Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison kapag walang nangyari sa peace talks na gagawin sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na binigyan niya ng dalawang buwan ang kilusang komunista para magkasundo sa peace talks.

Magsisilbi aniyang “make or break” ang ibinigay na palugit kay Sison at kapag walang nangyari ay ihahatid niya ito sa airport para makalabas ng bansa.

Pagsasabihan ng Pangulo si Sison na huwag nang bumalik sa bansa dahil papatayin niya ito.

“I have invited Sison to come home. He has agreed. I gave him the window of two months, very small make or break tayo dito. I will see to it and will personally maybe escort him to the airport pag walang nangyari sa two months. I will allow him to go out, I will not arrest him because word of honor yan. But sabihin ko talaga sa kanya P****i***mo, wag ka nang bumalik dito papatayin talaga kita. Pag walang nangyari, sasabihin ko sa kanya do not ever ever return to the Philippines I will kill you. You have killed so much of my soldiers and policemen,” anang Pangu­lo.