Abante Tonite Interactive

Pagababalik ng GMRC bilang asignatura

BANGON NA!

190

Natandaan ninyo ‘yung lindol na nangyari sa tokyo noong 2011? It wiped out parts of japan mostly because of the tsunami na tumama tatlumpung minuto matapos ang magnitude 9 na lindol. Libo-libong hapon ang namatay doon. Billions of dollars worth of properties ang inanod sa dagat.

Nagkukuwento si Chino Gaston sa kanyang coverage doon. Nag-arkila sila ng van gamit ang isang driver na hapon para lumibot sa devastated area. Sa isang punto ng coverage, sinabi ng kanilang driver na hapon, mauubusan na tayo ng gasolina. Pag naubos ang gasolina, thats the end of my service dahil walang gasolinahan na puwedeng kargahan. Most gas stations ay out of service dahil sa lindol. Nag-suggest si Chino, dahil nagkalat naman ang mga sasakyang nakataob kundiman ay nakahambalang, baka puwede tayong sumipsip ng gasolina. Magalang daw siyang tinanggihan ng driver sa pagsasabing labag sa kanyang kalooban na magnakaw. Chino insisted, eh nakahambalang lang naman at puwedeng kunan. Ayaw pa rin ng hapon. Labag daw ito sa kanyang moralidad.

Sa isang siutwasyon na puwede ka nang magsamantala, tutal survival na naman ang pinag-uusapan, ang mga hapon ay tumatahak pa rin sa tamang daan. Sa isang situwasyon na puwede ka ng mag-looting ng pagkain, ang mga tindahan ay nananatiling sa kondisyong iniwan ng tsunami. Sa mga soup kitchen na sinet up, nakapila sila regardless kung gaano na sila kagutom. Sa mga situwasyong tinatawag ng pagkakataong magsamantala, pinili nilang hindi. Matibay ang kanilang pundasyon. Natatangi ang kanilang discipline.

Eh paano, bata pa lang tinuturo na sa mga bata ang GMRC. Sabi nga ni Mike, sa unang tatlong taon ng pag-aaral ng mga bata, wala silang ginawa kundi maglinis ng paaralan, maki­pagkapwa tao, ma­ging mapagmalasakit sa iba. Sa Hong Kong, mag-ingat daw kayo sa mga Chino. Marami daw kasing manloloko. Sabi nga nila, mas mag-ingat kayo sa Chino na maru­nong magtagalog. Mas lalong manloloko ‘yun.

Its never too late for the Filipinos. Its never too late for the Philippines. Ang panukalang batas na nagbabalik sa pagtuturo ng GMRC bilang pangunahing asignatura ay isa sa mga daan patungo sa landas ng kagalingan.