Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagasa: Habagat magpapaulan pa rin

0 145

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Leon’, gayunpaman patuloy na makakaranas ng pag-uulan ang malaking bahagi ng bansa bunsod ng aktibong habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) patungong Vietnam ang bagyo, bago ito nakalabas ng bansa ay napanatili nito ang kanyang lakas, taglay ang 85 kph na lakas ng hangin at bugso na 105kph.

SM food to go Banner Ad

Sa ngayon ay wala nang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa subalit nahahatak pa din nito ang habagat kaya nagkakaroon malalakas na hangin at paguulan lalo na sa Batanes, Babuyan Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Antique at Aklan.

Sa Metro Manila ay asahan umano ang mas magandang panahon sa mga susunud na araw. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.