Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagasa: La Mesa Dam aapaw

0 168

Inilagay umano sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa posibleng pag-apaw nito ngayong paparating ang bagyong `Rolly’.

Inihayag ito ni Richard Orendain, hydrologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sa ginanap na online press briefing ng ahensya.

May posibilidad din umano na magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulcan dahil malapit na itong umapaw.

“Maliit lang po ang Ipo Dam and ang spilling level is 101.5 meters and halos .5 meters lang ang difference from spilling level so posibleng mapuno ang Ipo Dam dahil dito dadaan si Rolly,” paliwanag ni Orendain.

Dagdag pa ng opisyal, posible rin na madagdagan ng hanggang limang metro ang ipon na tubig sa Angat Dam dahil sa bagyo subalit hindi naman aniya ito aabot sap ag-apaw.

Ganito rin aniya ang puwedeng mangyari na madagdagan ng ipon ng tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

Leave A Reply

Your email address will not be published.