Abante Tonite Interactive

Pagasa: ‘Longest daylight’ sa Biyernes asahan

329

Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Association (Pagasa) sa Central Visayas na magkakaroon ng mahabang araw (longes­t daylight) bukas sa mga bansang nasa norther­n hemisphere, kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Vine Singson, weather specialist ng Pagasa-7, sa karaniwang averages na 12 oras at 30 minuto na nararanasan sa bansa sa normal na araw, ito ay magiging 13 oras sa Biyernes.

Ito ay dahil aniya sa tinatawag na ‘summer solstice’ o ‘soltice ng tag-init’ . Ito ang panahon na natatamo ng araw ang greatest declination nito na +23.5 degrees at direktang dumaraan sa itaas sa tanghali.

Ayon kay Singson, ang araw ay sisikat dakong alas- 5:28 ng umaga at lulubog bandang alas 6:27 nang gabi. (Dolly Cabreza)