Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAGASA: Taglamig tatagal hanggang Pebrero

0 213

I-ready na ang kumot at mga jacket.

Ito ay dahil na rin sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy na makakaranas ng malamig na panahon ang bansa hanggang sa susunod na buwan dulot ng hanging Amihan.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na sa kanilang monitoring ay nasa 19.0°C ang temperatura sa Laoag; Kalayaan Islands — 24°C; Lipa City — 22°C; Tuguegarao City — 17°C; Legazpi — 24°C; Iloilo City — 22°C; Tagaytay City ay nasa 18 degrees habang sa Metro Manila ay 23 degrees Celsius, bahagyang mataas kumpara sa 21.6 degrees Celsius noong Lunes.

Noong Linggo ay naitala naman ang 10.4 degree celcius sa Baguio City.

Makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-uulan ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas dahil sa aktibong Northeast Monsoon. Habang ang Central Visayas, Eastern Visayas, at Mindanao ay uulanin din resulta ng tail-end ng Frontal System. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.