Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbaba ng height requirement sa gustong magpulis aprub

0 155

Noong araw kapag gusto pumasok sa law enforcement, partikular sa mga gustong mag-pulis, basic requirement sa mga mga aplikante ang height.

Kaya yung medyo malilit, kapag nalaman nila ang requirement, mababa ang morales at dismayado dahil sa height pa lang hindi na sila qualified.

Payo nga ng matatandan noon, para tumangkad kumain daw ng margarine o kaya’t mag-take ng vitamins na pampatandkad. Pero kahit anong gawin, kung talaga nasa lahi mo ang kulang sa taas, wala kang choice kung tanggapin ang heigh na meron ka.

Genetically kasi hindi talaga lahi ng mga Pilipino ang matangkad – kung saan ang average height natin ay 5’4” sa lalaki at 4’10 naman sa mga babae.

Kaya nga dismayado ang ilan na hindi nabiyayaan ng height dahil wala silang pag-asang makapagserbisyo sa gobyerno o maging kasapi na iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng PNP, BFP o kaya’y sa BJMP.

Hindi naman maaring tanggaplin ng Napolcom ang height requirement dahil mandato iyon sa ilalim ng Republic Act 6975, ang batas na nagbubuo sa PNP.

Sa Section 30 ng naturang batas, iyon nga, ang minimum qualification for admission sa PNP ay dapat1.62 meters (5’4″) sa mga lalaki at 1.57 meters (5’2″) naman sa mga babae.

Pero ngayon, mukhang marami nang may pag-asang makapasok sa law enforcement agency dahil inaprubahan na sa Senado ang isang panukala para babaan ang height requirement sa gusto maging pulis, bumbero o di kaya’y jail officer.

Noong Lunes, inaprubahan ng Senado ang third reading ang Senate Bill No. 1563 o Height Equality Act, ina-adjust nito ang heigh requirement para sa mga aplikante ng PPP, BFP, BJMP at Bureau of Corrections.

Ang mga nag-push nito sa Senado ay sina Senate President Vicente Sotto III, Sens. ZubiriLacson, Tolentino, Pacquiao, Revilla, Gatchalian, Go, Villanueva at Marcos.

Sa ilalim ng panukala, ang lalaking aplikante ay may minimum height na 1.5 metro o 5’2” habang ang mga babaeng aplikante naman ay dapat 1.52 metro o 5’0” ang taas.

Nakasaad din sa panukala na ang mga aplikante na kabilang sa cultural communities at indigenous people ay dapat awtomatikong pagkakaloob ng waiver para sa height requirement.

So, magandang balita ito. Sa pagbaba ng height requirement, siguradong inaasahang dadami ang aplikante na gusto pumasok sa law enforcement.

Paliwanag pa nga ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, sponsor ng panukala sa Senado, sa nasabing panukala, hindi binababa ang standard na kailangan para makapagsilbi bilang pulis, firefighter, jail at correction officers. Aniya, nais nitong mabigyan ng pagkakataong makapagsilbi ang mga hindi nabiyayaan ng katangkaran.

Lusot na Senado ang panukala ito at sana sa counterpart nila sa Kamara ay maaprubahann din agad ito.

At kapag maging ganap na itong batas, hindi na babala ang morale ng ilang mababa o iyong mga kinulang sa height at may pag-asa na silang maglingkod at magsilbi sa bayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.