Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbaba sa Malacañang: Duterte yayariin mga tulak sa kalye

0 68

Hindi pa maaaring magsaya ang mga sindikato ng ilegal na droga dahil tutugisin pa rin sila kahit tapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pagdalo sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City nitong Biyernes, May 6, sinabi ng Pangulo na tuloy ang kanyang adbokasiya laban sa ilegal na droga kahit hindi na siya ang presidente ng bansa.

Aniya, magmomotorsiklo siya at maglilibot para hanapin ang mga salot sa droga.

“Now that I won’t be president anymore, nobody can dictate what I do. I will go riding on a motorcycle and roam around the…and I’ll search for drug peddlers shoot them and kill them,” pahayag ng pangulo.

Sabi ni Pangulong Duterte, nakita niya kung paano pinaglaruan ng sindikato ang mga piskal at mga hukom katumbas ang malaking halaga ng pera kapalit ng pagbasura sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Pati aniya mga ebidensiya ay napapalitan ng tawas sa korte dahil sa manipulasyon ng mga sindikato.

Muling binigyang-diin ng pangulo na marami nang buhay at pamilya ang nasira dahil sa droga kaya hindi siya titigil sa pagtugis sa mga nasa likod nito.

“Even if I’m no longer president, I will still kill you,” babala ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.