Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbabakuna gawin sa mga terminal – solon

0 41

Hiniling ng isang kongresista sa DOH, IATF at NTF-COVID na magtalaga na rin ng COVID-19 vaccination team sa mga mall na mayroong UV express, taxi at PUV terminals at maging sa piling lungsod na may mga bus terminal.

Naniniwala si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co na sa pamamagitan nito ay magiging mas madali para sa mga tao na maengganyong magpaturok.

Madalas aniya sa mga terminal nakukuha at nagkakaroon ng hawaan kung kaya mas makabubuting magtalaga na ng vaccination team sa mga terminal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natitiyak ng mambabatas na maraming komyuter ang mababakunahan dahil maaari nilang gawin ito habang naghihintay ng kanilang masasakyan.

“While they wait for their rides, they can be vaccinated. The lines just have to move fast. If government wants adult citizens to get vaccinated, the government must make it easy for them to do so,” dagdag ni Co. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.