Abante Tonite Interactive

Pagbabakuna target ng DOH

By
11

Puntirya ng Department of Health (DOH) na dagdagan ang bilang mga sanggol na nababakunahan sa unang taon nito.

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, target ng ahensya na palaganapin ang mga vaccines sa lahat ng health center sa buong bansa para sa proteksyon ng mga sanggol.

“As of now DOH Secretary Dr. Paulyn Jean Ubial wants to raise this to 95 percent,” sabi ni Tayag.

Paliwanag pa nito na nais ni Ubial na maiangat ang 65 porsiyentong naitala noong 2016 at 80 porsiyento noong 2015 ang pagbibigay ng bakuna sa mga sanggol kung saan mahigit sa 400,000 bagong sanggol ang hindi napagkalooban ng bakuna.

“That decline was big and can affect other babies. Imagine if one of them will have measles, that can be transmitted to others as well (who were not immunized),” ani pa ni Tayag.