Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbabalik ng PBA, NBA

0 288

Simula na ang balik-ensayo ng mga PBA team kung hindi man ngayong linggo ay early next week.

Layunin nito ang posibleng pagsalba sa 45th season ng liga sa pamamagitan ng pagtuloy sa 2020 Philippine Cup ngayong Seyembre o Oktubre kung gaganda ang sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.

Ito’y matapos lumabas na din sa wakas ang pinakahihintay ng PBA na Joint Administrative Order mula sa mala-Covid19 task force para sa sports na kinabibilangan ng Games and Amuesements Board (GAB), Department of Health (DOH) at Philippine Sports Commission (PSC).

Kailangan natin ang sports sa ngayong panahon ng pandemiya.

Bukod sa ehersisyo ng mga atleta, trabaho para ilang tao at libangan para sa mga tagatangkilik.

Kailangan nating ang sports para magbigay ng hindi lamang dibersyon sa hirap ng buhay ng karamihan ngayon, kundi inspirasyon para magpursigi at manalo sa mga pasakit na dulot ng coronavirus na halos nagpatigil sa mundo at mga gawaing normal natin.

Delikado kung sa delikado sa panahon ngayon kung saan wala pang bakuna para sa Covid-19, pero kung masusunod naman ang protocols at payo ng mga dalubhasa, wala namang dahilan para hindi subukang ibalik ang PBA at maging ang iba pang sports.

Malaking bagay rin ang pagtuloy sa NBA na magbabalik na rin sa Hulyo 30.

Leave A Reply

Your email address will not be published.