Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagbagal sa paggalaw

0 365

Kadalasan, kapag may pananakit, hirap o pagbagal sa pagkilos at galaw, ang sinasabing dahilan ay ang pagtanda, o “sign of aging” o di kaya dahil sa lumalaki at tumataba ang katawan. May iba naman ay hindi naman gaano may edad at hindi rin gaano kalaki ngunit nakakaramdam din nito. Ito ang tanong sa atin ngayong linggo. “Ako po ay 32 anyos at hindi naman kalakihan, ngunit napapansin ko na nananakit ang aking likod lalo na kapag marami na akong nagawa at malayo ang nalakad. Hindi ako ganon katangkad ngunit medyo malaki ang aking hinaharap, sinasabihan ako na dahil daw sa timbang ko ang pananakit na nararamdaman ko ngunit nasa ideal body weight naman ang aking timbang. Ito ba ang dahilan at ano ang mga pwede kong gawin?“

Ang pananakit ng likod ay napakaraming dahilan, isa dito ang kalagayan ng mga muscles sa likuran natin. Ang primary objective ng mga ito ay panatiliin tayong upright o patayo kaya malaki ang kinalaman ng center of gravity. Ang mga back muscles ang pumipigil sa atin para tayo ay hindi lumagapak sa lupa o di kaya bumagsak sa lamesa kung nakaupo tayo. Dahil dito napakaimportante ang setting nito. Hindi kinakailangan na malaki o malakas, kung hindi sapat na tibay para tumagal sa mga trabahong ginagawa sa maghapon. Natural pag nagkaedad ay medyo may panghihina na dahil hindi na kasing tindi o liksi ang kilos at galaw. Ang isang dahilan na magirereklamo ang likod ay maaaring nawawala ang cener of gravity dahil tayo ay lumalaki. Oras na tumaba at lumapad ang visceral fat sa tyan, ang centro ay napupunta sa harapan, kaya tumitindi ang trabaho at kapit ng muscle, kaya sa katagalan mananakit. Ganito din ang mararamdaman ng isang nagdadalangtao sa kaniyang huling tatlong buwan o trimester dahil sa paglaki ng tiyan dahil sa paglaki ni baby. Ngunit sa tinatanong sa atin, kasama din ang paglaki ng breasts na maaaring maging sanhi ng neck and back pains dahil sa parehong prinsipyo.

Sa paglaki ng tyan, maaaring may magawa tayo para lumiit, kasama ang dyeta at ehersisyo. Ngunit, sa paglaki ng breasts, lalo na dahil natural ang mga ito, hindi basta basta mapapaliit kung hindi operahan. Gaya ng pagbubuntis, na hanggang maipanganak si baby saka lang maguumpisang bumalik sa dati ang sukat at hugis ng katawan.

Ang mga supports ay makatutulong sa panandaliang pagtanggal ng kirot, kasama na dito ang mga bra. Ang pahinga, warm compress at mga gamot gaya ng NSAIDs o non-steroidal drugs ay makatutulong. Ngunit para mapatibay ang likod, physical therapy at ehersisyo ang kailangan.

Kung sumasakit ang likod, ipatingin sa inyong doktor ng mabigyan ng pinkamagandang payo na nararapat sa inyo para lumakas ang inyong likod.

Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.